Para raw nabawasan ng tinik sa dibdib si Katrina Halili nang malaman ang desisyon ng Professional Regulation Commission (PRC) na tanggalan ng lisensiya sa pagiging duktor si Hayden Kho.
“Unang reaction (ko) parang nabawasan ako ng tinik sa dibdib ko. Kasi parang isang pabigat din yun sa akin, kasi isa yun sa mga pinaglalaban ko. Maraming salamat sa PRC sa desisyon nila na tanggalan ng lisensiya si Dr Hayden Kho kasi ipinagdasal ko talaga na sana mabigyan ng hustisya yung pinaglalaban ko," pahayag ni Katrina sa panayam ng host na si Ricky Lo, sa Startalk nitong Sabado.
Si Katrina ang naghain ng petisyon sa PRC na tanggalan ng lisensiya si Hayden kaugnay ng iskandalo ng kanilang sex video na lumabas sa Internet.
Sinabi sa Startalk na batay sa desisyon ng PRC, lumitaw na guilty si Hayden ng “immorality, dishonorable and anethical conduct, bunga ng lumabas na video scandal.
Tungkol sa hiwalay na kaso na inihain ng sexy actress kay Hayden na nakabinbin pa sa korte, sinabi ni Katrina na naghihintay pa siya ng abiso sa kanyang abogado kung kailan isasagawa ang pagdinig.
Gayunman, nakahanda umano si Katrina at lagi niyang ipinagdarasal na makuha rin niya ang hustisya sa korte. Naniniwala rin ang aktres na malaking tulong sa kanyang kaso ang naging yung desisyon ng PRC.
Wala rin daw nararamdamang awa si Katrina sa pagkakaalis ng lisensiya ni Hayden dahil sinira naman umano ng binata ang kanyang buhay.
“Kahit konti wala kasi kung nasira siya, sinira n’ya rin ang buhay ko di ba. At lumalaban ako dahil hindi (lang) para sa akin kundi sa lahat ng mga tao na ginawan (niya) ng kabubuyan niya," ayon sa aktres.
Maraming tumulong
Inamin din ni Katrina na nagulat siya sa bumuhos na pinansiyal na tulong nang panahon na gipit na siya sa pera nang mawalan ng trabaho dahil sa nangyaring iskandalo.
“Sobrang nagulat ako may tutulong sa akin… wala naman akong sinasabihan na wala akong pera," ayon kay Katrina. Dahil sa kontrobersiya, ilang proyekto at endorsement raw ng dalaga ang umatras at naglagi na lang siya sa bahay.
Kabilang umano sa mga nagpaabot ng tulong sa kanya ay ina ng kanyang kaibigan at mga alkalde sa kanyang lalawigan sa Palawan na nag-ambagan ng pera para ipadala sa kanya.
Kasabay nito, pinabulanan din ng aktres ang lumabas na ulat sa isang pahayag na nabuntis at nagpalaglag siya.
“Hindi ko alam saan (galing ang balita)…e araw-araw naman po nila akong nakikita tv lalo na po nang lumabas yung isyu ko di ba? Almost everyday sinusundan ako ng media," tugon niya sa tanong ni Ricky.
Sa ngayon, tuloy-tuloy na raw ang trabaho trabaho ni Katrina at makakasama na siya sa mga kontrabida sa telefantasya ng GMA 7 na Darna.
Dahil sa video sex scandal, sinabi ni Katrina na lalo siyang tumatag at tiwalang walang na siyang problemang hindi kayang harapin.
“Siguro po sa bigat ng bato na ibinato nila sa akin, sa bigat (ng problema) na hinarap ko parang wala na po sigurong rururok pa ro’n. Sana tapos na... siguro po kahit ano pang ibato nila sa akin bahala (na) sila," pagtatapos niya.

Related Posts |
Post a Comment