Showing posts sorted by relevance for query startalk. Sort by date Show all posts
Showing posts sorted by relevance for query startalk. Sort by date Show all posts

Katrina happy that Hayden’s license was revoked

Posted by Ruth

Para raw nabawasan ng tinik sa dibdib si Katrina Halili nang malaman ang desisyon ng Professional Regulation Commission (PRC) na tanggalan ng lisensiya sa pagiging duktor si Hayden Kho.

“Unang reaction (ko) parang nabawasan ako ng tinik sa dibdib ko. Kasi parang isang pabigat din yun sa akin, kasi isa yun sa mga pinaglalaban ko. Maraming salamat sa PRC sa desisyon nila na tanggalan ng lisensiya si Dr Hayden Kho kasi ipinagdasal ko talaga na sana mabigyan ng hustisya yung pinaglalaban ko," pahayag ni Katrina sa panayam ng host na si Ricky Lo, sa Startalk nitong Sabado.

Si Katrina ang naghain ng petisyon sa PRC na tanggalan ng lisensiya si Hayden kaugnay ng iskandalo ng kanilang sex video na lumabas sa Internet.

Sinabi sa Startalk na batay sa desisyon ng PRC, lumitaw na guilty si Hayden ng “immorality, dishonorable and anethical conduct, bunga ng lumabas na video scandal.

Tungkol sa hiwalay na kaso na inihain ng sexy actress kay Hayden na nakabinbin pa sa korte, sinabi ni Katrina na naghihintay pa siya ng abiso sa kanyang abogado kung kailan isasagawa ang pagdinig.

Gayunman, nakahanda umano si Katrina at lagi niyang ipinagdarasal na makuha rin niya ang hustisya sa korte. Naniniwala rin ang aktres na malaking tulong sa kanyang kaso ang naging yung desisyon ng PRC.

Wala rin daw nararamdamang awa si Katrina sa pagkakaalis ng lisensiya ni Hayden dahil sinira naman umano ng binata ang kanyang buhay.

“Kahit konti wala kasi kung nasira siya, sinira n’ya rin ang buhay ko di ba. At lumalaban ako dahil hindi (lang) para sa akin kundi sa lahat ng mga tao na ginawan (niya) ng kabubuyan niya," ayon sa aktres.

Maraming tumulong

Inamin din ni Katrina na nagulat siya sa bumuhos na pinansiyal na tulong nang panahon na gipit na siya sa pera nang mawalan ng trabaho dahil sa nangyaring iskandalo.

“Sobrang nagulat ako may tutulong sa akin… wala naman akong sinasabihan na wala akong pera," ayon kay Katrina. Dahil sa kontrobersiya, ilang proyekto at endorsement raw ng dalaga ang umatras at naglagi na lang siya sa bahay.

Kabilang umano sa mga nagpaabot ng tulong sa kanya ay ina ng kanyang kaibigan at mga alkalde sa kanyang lalawigan sa Palawan na nag-ambagan ng pera para ipadala sa kanya.

Kasabay nito, pinabulanan din ng aktres ang lumabas na ulat sa isang pahayag na nabuntis at nagpalaglag siya.

“Hindi ko alam saan (galing ang balita)…e araw-araw naman po nila akong nakikita tv lalo na po nang lumabas yung isyu ko di ba? Almost everyday sinusundan ako ng media," tugon niya sa tanong ni Ricky.

Sa ngayon, tuloy-tuloy na raw ang trabaho trabaho ni Katrina at makakasama na siya sa mga kontrabida sa telefantasya ng GMA 7 na Darna.

Dahil sa video sex scandal, sinabi ni Katrina na lalo siyang tumatag at tiwalang walang na siyang problemang hindi kayang harapin.

“Siguro po sa bigat ng bato na ibinato nila sa akin, sa bigat (ng problema) na hinarap ko parang wala na po sigurong rururok pa ro’n. Sana tapos na... siguro po kahit ano pang ibato nila sa akin bahala (na) sila," pagtatapos niya.

Startalk 25-12-10

Posted by GreatMan

Startalk VX3 13-11-10

Posted by GreatMan

Startalk 29-01-11

Posted by GreatMan

Startalk TX 09-10-10

Posted by Greatman

Startalk 20-3-10

Posted by GreatMan









.

Startalk 10-04-10

Posted by GreatMan







.

StarTalk (Dec. 26, 2009)

Posted by Greatman










.

Startalk VX3 20-11-10

Posted by GreatMan

Startalk 11-12-10

Posted by GreatMan

Startalk 31-07-10

Posted by Greatman


StarTalk 20-2-10

Posted by GreatMan










.

StarTalk (Dec. 12, 2009)

Posted by Greatman













.

StarTalk (Dec. 5, 2009)

Posted by Greatman












.

Gina Alajar speaks about her FB status on Krista Ranillo

Posted by Ruth

Itinuturing lesson in life ng batikang aktres at direktor na si Gina Alajar ang ingay na nilikha ng kanyang status message sa kanyang blog na may kaugnayan kay Krista Ranillo.

Sa taped interview ng showbiz talkshow na StarTalk nitong Sabado, nagpaliwanag si Ms Gina kung papaano naging laman ng balita ang status message na inilagay niya sa kanyang Facebook account.

Ang naturang mensahe ni Gina sa social networking site ay lumabas habang papainit pa lang ang intriga sa pagkakaugnay ng batang aktres na si Krista sa Pinoy boxing hero na si Manny Pacquiao.

Sa website ng Philippine Entertainment Portal, nakalagay ang bahagi umano ng mensahe ni Ms Gina na: “If I am Jinkee Pacquiao I will not give up Manny…Krista Ranillo is not all worth it."

Ngunit ayon kay Ms Gina, wala siyang intensyon na ipakalat ang laman ng kanyang blog at naniniwala siyang maaari niyang isulat sa kanyang private account anuman na nasa isip niya.

“Nananahimik yung Facebook account e, nananahimik 'yon pinakialaman nila. Hindi ko naman ipapangalandakan ko 'yon e. Hindi ko naman sa media web site inilagay yun, hindi sa showbiz web site ko ginawa yun. Kung doon (ko inilagay) puwede mo pa ‘kong masisisi. Kaso ginawa ko sa private account ko. And everyone in Facebook, and everyone na mga kaibigan ko sa Facebook also believe na your page is your page, you can say whatever you want there," paliwanag ng batikang actress-director.

Sinabi sa ulat na hindi rin umano nagustuhan ni Gina ang pagkakagawa ng istorya ng isang showbiz talkshow tungkol sa kanyang Facebook account.

“Parang bakit naman at my expense? Bakit ka gagawa ng istorya mayroon kang gustong gawin istorya…two days after na mangyari ‘yon na ma-feature nila yung profile page ko, tumawag yung EP ng executive producer ng The Buzz," kuwento niya.

“Maraming siyang katwiran na sinabi sa akin, tapos sinabi ko na kailangan ko ng public apology, nagsabi naman siya ng oo. Pero wala pa namang lumalabas tapos nagpadala siya ng basket of fruits. Feeling ko naman, ha, prutas lang ang katapat? Prutas lang ang katapat ng pakikialam nung Facebook account ko," idinagdag ni Ms Gina.

Wala naman daw siyang mensaheng nais iparating kay Krista na minsan ding naugnay sa dati niyang asawa na si Michael de Mesa.

“Wala naman akong masasabi kasi unang-una lahat nung sinabi nila lalo na ‘yong interview sa akin about sa una nilang statement, wala naman akong masasabi kasi hindi naman isinulat (para) sa akin ‘yon. It was address to the media para maging official statement nila," pahayag niya.

Huwag magtiwala

Nais lang umano ng premyadong aktres na malinis at maituwid ang kuwento sa pagkakasangkot ng kanyang status message sa lumaking kontrobersiya tungkol kina Manny at Krista.

Nitong Huwebes ay nagpahayag ang abogado ng mga Ranillo na nais nilang humingi ng public apology kay Gina dahil sa negatibong isinulat nito sa kanyang blog.

“I want my name cleared kasi ang lumalabas willingly binalandra ko ‘yon, e. Sa dami ng mga nag-interview at always taped interviews lagi namang nai-edit out yung part na hindi ano merong nagbukas ng account ko, pinakalaman ang account ko. So naiiba yung konteksto, naiiba ‘pag inintebyu, naiiba ang konteksto depende kung ano yung pinapalabas sa telebisyon…nalilihis lahat," paliwanag ni Gina.

Bukod sa anak na si Geoff Eigenmann, nagpahayag din ng suporta kay Gina ang malapit nitong kaibigan na si Sandy Andolong.

“She felt betrayed by a friend. Kasi sa kaibigan din niya suppose to be nasa friend list n’ya ‘yan. But I told her minsan may mga friends na akala mo friends hindi naman pala, so be very careful," ayon kay Sandy.

Pagtatapos ni Ms Gina: “It a lesson in life pero mas tumitibay yung dapat hindi ka magtitiwala, which is so sad. Kaya lang there are some people talaga na really will just break your trust."



Startalk TX 18-12-10

Posted by Greatman

Startalk VX3 23-10-10

Posted by GreatMan

Startalk 6-3-10

Posted by GreatMan










.

Startalk 15-01-11

Posted by GreatMan

Startalk 27-3-10

Posted by GreatMan









.

Find Your Date!

Manila Time

back to top