Inihayag ng kampo ni Krista Ranillo na hihingi ang pamilya nito ng public apology sa batikang direktor at aktres na si Gina Aljar dahil sa umanoy’ mapanirang isinulat nito sa kanyang profile sa Facebook account.
Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na pinag-aaralan ng abogado ng mga Ranillo ang legal na hakbang laban sa mga nagkakalat umano ng negatibong publisidad kay Krista na nag-uugnay kay Pinoy boxing hero Manny Pacquiao.
Ayon sa abogado ng mga Ranillo na si Atty Tonisito Umali, posibleng matagalan pa sa US si Krista at pamilya nito dahil sa natatanggap na banta sa buhay ng aktres.
“Ang tunay na dahilan (kaya naantala ang pag-uwi) ay may mga bantang natatanggap si Ms Krista Ranillo na hindi puwedeng isawalang bahala. Ito ay dapat na seryosohin, at yun ang pangunahing dahilan kung kaya’t hindi siya makabalik sa ating bansa," pahayag ni Umali sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
Nasasaktan daw ang mga Ranillo sa mga naglalabasang balita tungkol sa pagkakaugnay ng young actress kay Manny. Gayunman, buo umano ang suporta ng pamilya Ranillo kay Krista.
Idinagdag sa ulat na partikular na pinag-aaralan ng abogado ng mga Ranillo ang isinulat ni Gina Alajar sa Facebook account nito na nagbibigay ng mensahe sa asawa ni Manny na si Jinkee tungkol kay Krista.
“I think the Ranillos right now will demand for a public apology from Ms Gina Alajar and a formal demand will be made in the next couple of days," idinagdag ng abogado.
Sinabi sa ulat ni Santiago na sinikap ng GMA News na makuha ang panig ni Gina pero hindi raw nito sinasagot ang mga tawag at text.
Sa ulat sa web site ng Philippine Entertainment Portal PEP, nakapanayam nito si Gina at sinabing walang makakapigil sa kanya kung ano ang nais niyang ilagay sa kanyang Facebook profile: "I can say anything and everything in my profile. Nobody can stop me."
Sa isa pang interview, sinabi umano ng aktres na "unsolicited advice" lamang daw niya sa misis ni Manny na si Jinkee Pacquiao ang isinulat niyang shoutout sa kanyang Facebook account.

Related Posts |
Post a Comment